Feb 5, 2015

Pancit convo

Over lunch I asked my son to buy me some pancit bihon at the mini grocery just outside our village gate.

Me: Anak, later pakibili mo ako ng Pancit Bihon sa G and A. Ayaw ko na lumabas. Magluluto ako ng pancit mamayang hapon.

Son: Sige po.

Husband: Ano naman naisip mo at mag-papancit ka? Mayroon bang may birthday?

Me: Wala naman, naisip ko lang. Ang alam ko anniversary nila Mommy at Daddy(he's in heaven) today. I'll give some to Mommy din.



Husband: Intsik talaga ang Mama mo. Kahapon lang nag-Beef brisket noodles yan.

Me: Anak, kapag nahirapan ka maghanap sa grocery itanong mo sa mga Kuya doon na nakabantay. Huwag ka mahiya kasi minsan andun sila nagkukwentuhan lang. Sabihin mo "Kuya, nasaan dito ang Pancit Bihon? ".

Son: Ma, parang masungit kapag ganun. (He was probably referring to my tone and how I acted it out.)

Me: Ganun talaga. Teacher eh. Nahahalata ba?



No comments: